Me: huyyyyyyyy
Her: Elo mokong. Oi, baket ka sad?
Me: Nag-iisip ng pampalakas ng loob

(Lakad lakad, sa may Greenbelt. Di ko lam kung baket ako nandon. Wala naman akong bibilhin)

Me: I think I'm going through an anxiety attack.
Her: Huwaat? Huwaaay???
Her: Kwento dali :D

(Actually, nagpapalipas lang ako ng drama, naghahanap ako ng buko juice)

Me: Erhm ... well ...
Her: (with mapang-asar na tingin) ahh ... o tapos?
Me: Haba ng kwento ko no? hehehe

(Kwento ako, mga bagay bagay. Shempre hindi ko na babanggitin lahat sa blog na to, dumadaan sila dito e hehehe)

Me: (ngiting aso ... lalo na yung asong busog at may ginawang masama)
Her: Lam mo, masyado ka naman atang nag-analyze e.
Her: Make it simple.
Me: (kagat labi)
Her: Na-imbento na ang word na 'allow'
Me: (nag-iisip ng pang-asar, sasabihin sana "Mukha mo, allow")
Her: Actually, jan yata ako napahamak e.
Her: No, but seriously.
Her: ... allow.
Me: Mukha mo, allow (di na napigilan)

Her: Mokong. I mean, just allow ...
Her: Allow things to happen
Her: Allow yourself to go with the flow

ME: (Patay, tingin ko sarili na naman nya pinakikinggan nya)
Her: (iba't iba pang sentences with the word 'allow')

Her: Lam mo, di nga ako dapat kausap mo dyan e.
Her: Cynical ako ngayon.
Me: (Bubulatlat sana ng banat na, "Mukha mo, cynical" .. pero bait muna)

Her: GALIT AKO SA LALAKE... grrrr
Me: (Nyay. E ano ako ngayon? Uod?) A e ... oo nga naman, mga lalaking yan
Her: Ay apir lola!
Me: *plak* (Hala, kung ganito kadali makakuha ng simpatya, may kulto na ako)
Her: Pero don't be too cautious naman (referring to my story earlier)

(Salita pa siya ng mga advice advice na lumalabas sa kabila kong tenga. Hay, I sometimes have more meaningful conversations with my panghilod. Tanggal pa libag ko. Ewan ko ba. Asan na nga ba ang buko juice stalls dito ...)

Her: (tuloy tuloy lang sa dada ang lola) ... In fact, I think you may have over applied what you have learned
Her: Nagkahalu-halo na.
Me: (napaisip) You're right. You're probably right.

Her: Anche, sometimes take things at face value.
Me: (Ay eto panalo, "Mukha mo, face value") A ehm ... expound.
Her: Don't mistake A as B
Her: Di lahat ng bagay may underlying motive or agenda
Her: Di lahat ng bagay kelangan ng explanation

(Napaisip ako. Jerbers, asan na ang buko juiiicceee)

Me: (Change into sensible mode, with matching American accent) Yeah, it makes it complicated.
Her: Some things are so basic
Me: But it's hard for me because that's my nature
Her: I can relate
Me: Sa akin, everything must have a meaning. It must, and it should.
Her: Me too.
Me: Pero yeah, gusto ko rin minsan ... kung ano yan, yan yan
Her: Natatawa ako
Me: (Taas kilay)
Her: Pareho kasi tayo. Lahat may dahilan

Her: Kelangang lahat may paliwanag.
Her: Diyan ako madalas masita ni ungas dati.

(Aha, and the plot thickens. Mukhang alam ko kung ano patutunguhan nito)

Her: Because I tend to look at an apple and see an apple pie
Her: Di lang sya apple period
Me: Haha. You know i feel like I understand myself better with that analogy
Her: Great minds think alike
Me: Mindless ako minsan. Ikaw? :D

(Kwento siya)

Her: Kahit anong iwas ko na
Her: This may be my way of gauging how 'OK' I am
Her: Trabaho lang, walang personalan
Me: Dunno if you can take it professionally, but even if you do, we dunno if he will be professional either
Her: Anyway, yun. Yun ang bago sa kin ngayon.

Me: Funny thing about corporate stuff, personal reasons aren't reasons
Her: Yap
Me: (Nakow Neneng, yari ka na naman kay Kuya Cesar) You might have to live with that
Me: And he will come over, that's for sure
Her: Minsan nga naiisip ko
Her: Talaga bang binibiro ako ng buhay?
Me: (Maraming naisip na pang-asar sa statement na yun)
Her: Sabagay ang liit ng mundo

Me: ... (tingin sa matalinaw)

Her: Ako ba ung tipo ng girl na niloloko?
Her: Grabe, self pity kicking in... waah

Her: Bakit nga Anche .. why???
Her: Mabait naman ako ah
Me: Trite as it seems, pero walang biktima kung walang nagpapabiktima
Her: Busina ka naman dudong! (susuntukin ata ako)

Her: I wasn't playing the role of a 'victim'
Her: I went in to that 'relationship' as a friend
Her: Walang hocus pocus
Her: Kaw ba?
Her: Will you enter into such a situation with a girl who's nice and all
Her: Tapos magagawa mo ba un?
Me: Deretso ako e. Kung friend friend, kung lover, lover.

Her: I guess I'm trying to justify things
Her: Gusto ko naman i-uplift ang sarili ko
Me: Uplift kita. Untog kita sa kisame
Me: Okay jok (leche, seryoso na naman ang lola)
Me: Di ka naman mabiro

Her: So bakit ganun?

Me: People don't always mean what they say, or say what they mean.
Her: ...
Me: Masasagot din natin yan in time.
Her: Sana nga. Hirap mag move on pag andaming gray areas.
Me: (Titig ako sa kanya) Lam mo, ikaw ang nagsabi sa kin ng black and white thinking.
Me: Walang gray areas.

Her: Things used to be that way to me, Anche.
Her: But he showed me a world na puro in-between.
Her: Na-windang ako.

Me: It's not healthy to stay in between. Mangangamoy singit ka nun.
Her: Nu baaa, kanina pa yang singit na yan ha.
Me: Ikaw nag simula eee.
Me: Basta yun, dami ko lang tanong.

Her: Sabi nga ni William, I should be settled in knowing that I will not know the answer to them all
Me: Makes sense ...
Her: But it's contradicting to the other fact, that is I have to have an explanation to everything
Me: Ahh, that.

Me: I think it's like faith.
Me: You just have faith and well, it's not our job to know everything

(Drama mode ang lola at banat pa siya ng mga convy with William. Ako naman nag-da-daydream sa kung saan. Hehe. Bohol? Parang gusto kong pumunta ng Bohol)

Me: (Nakinig naman kahit konti) Ahh, tulo uhog ko sa sinabi ni pareng William. Never have said it better myself.
Her: Ano baaaaaaa
Me: Batet? Gusto mo ikaw wipe? :D
Her: Pwede? :D
Me: No. Wipe your own uhog.

Her: So yun.
Her: For somebody who's emotional and in touch with his inner self.. madali ba sabihin yan and not mean it?
Me: You referring to who?
Her: Kaw ngaaa .. kaya mo ba sabihin yan paulit ulit and don't mean it at all?

Me: (Di nakikinig) Uh, yeah.
Her: ...
Me: (Napatigil, ahehe mali, ulet ulet)
Me: I can't ... I can't not mean it, I mean.
Me: Di ba nga ... sa akin, everything must have a meaning.
Me: What I say always mean something

Her: So Anche, tell me honestly ...
Me: Naks, parang gusto kong kumanta

Her: (Tawa ang lola, labas ang gilagid, tapos serious mode) ...
Her: Was it all just a big, fat lie?
Her: Or did it mean even just one hibla of truth man lang?

Her: Sampung milyong beses ko siya tinanong
Her: Sampung milyong beses nya din sinabi

Her: Totoo lahat nararamdaman nya.
Her: Pero alam nya din, hindi pwede.

Me: (Titig sa matalinaw)

Me: He wasn't ready to prove anything.
Her: ...
Me: It might as well be a lie.

Her: (Tingin sa malayo, mejo iiyak ata) Di ko alam bakit ang sakit pa din
Her: Di pa nga ako talaga okay

Me: Hay.
Me: Your last medicine is time.
Her: ...
Me: Your pain reliever is counting your blessings.

(Di ko minsan maintindihan ang babaeng ito. Ewan ko ba. Kanina pa ko naghahanap ng buko juice stall. Dalandan juice na lang kaya? Dami nun sa Jollibee ...)

Her: Sige na nga, lunch ka na.
Her: Salamat :D

Me: No prob :)

Her: Nga pala.
Me: Ano po yon?

Her: Penge naman ng MP3 ng Kwentuhan ng Sugarfree

(Hay. Buti naman at nahimasmasan ka na)
Me: Be good to yourself okay?

(To Jollibee!!)