Angel of God
My guardian dear
To whom His love
Entrusts me near
Ever this day
Be at my side
To light and guard
To rule and guide
Amen.


Yun ang isa sa mga unang prayers na itinuro sa akin ni Mama. I think nakabaon na yan sa utak ko, at siguro kahit ulyanin na ko, hindi ko to makakalimutan.

Yeah, I have a thing about angels. Pansin niyo? Sige, tingin pa kayo sa kaliwa't kanan <-- --> taas baba ng blog na to /\ \/

I have named my personal guardian angel as Pauline. Nung bata kasi ako, nagkaron ako ng sakit na halos isang taon ako sa ospital. Sa mga panahong yun, yung great grandmother ko tinawag si Mama para kamustahin ako.

Lagi kasi niyang nasa isip ay ako.

At nung lumisan siya sa mundong ito, unti-unti daw akong gumaling at nakalabas na sa ospital. Ang pangalan niya? Paulina. Hindi ko na natatandaan ang kanyang mukha, ngunit meron akong na-scan na larawan niya kasama si Mama.

Incidentally, my female pen name is Pauline Schroeder. In memory of my great grandmother.

Yung pinsan ko, pinangalan niya yung panganay niyang anak dahil sa suggestion ko -- Angel. Sa pilya namang bata, ahaha!

Shempre, mga terms na ginagamit ko, seraphim, cherubim, etc ... related yang lahat na yan. Terms of endearment na hindi ko maaalis sa sarili ko.

Tsaka nga kaya ang lagi kong tato na henna tuwing nasa beach ako e pakpak. Parang statement ko na yun. Dati sa Puerto Galera, iisa lang yung pakpak ko XD Ngayon dalawa na siya

Image hosting by Photobucket
It's the sound I cannot live without, as the rhythm goes I'm sure, my soul will never pause


At kung mapapansin niyo, fans ako ng mga kantang may linya na related sa paglipad sa lyrics. Yung "I'm Like a Bird" ni Nelly Furtado, "Light and Shade" ni Fra Lippo Lippi tsaka yung "Flying Away" ni Moony na kelan ko lang narinig sa paraiso. Meron pang isang kanta, na saulado ko pa since highschool. The chorus went something like this:

Come with me to the sky, let us fly
Open up your wings and we shall go up high
Just believe that you and I we'll fly together
If we are one, we can fly beyond the sky ...


Minsan kinakanta ko pa rin yun. Medyo nakalimutan ko na nga lang yung first stanza ^_^

Image hosting by Photobucket
A Moment of Zen II: My true name roughly means Freedom of the World, and the first thing that comes to my mind about freedom is -- flying


Ano nga kaya? Kapag lilisan na ko sa mundong ito? Magkapakpak nga kaya ako? Shempre, mga matalinghagang katanungan yan na hindi kailangang seryosohin. Para lang yan sa mga mahilig managinip ng mga anghel at paglipad.

Ako yun.

Image hosting by Photobucket
Kelan man, kahit ilang beses pa kong mabuhay sa mundong ito, di ko pa rin maiintindihan ang kagandahan na tulad ng araw na bumababa sa dagat. Siguro nga ang mga bagay na to di kailangang ramdamin. Basta hayaan mo lang.

In my Zen words, again I repeat: Don't feel. Just allow.

Kakanta ako. Masaya ako. Dahil kahit papano, may anghel ako. At may pakpak ako.