|
The Terrible Writings of Quentin Montejo
Serial experiments on a fallen archangel who only wanted to regain just one wing back
|
Free of the World. Rain worshipper. Hermit. Tormented mind.
Caged spirit. Defiant and eternal enemy of Destiny and Fate. Poet. Scientist. Artist. Daydreamer.
He who laughs. Slacker. Sleeper. Romancer of wings and clouds. Fiercely independent. He who is ponderous.
Games and anime junkie. Four eyes. Caveman. Nature-lover. He who doesn't think that hard. Non-smoker.
Music-junkie. Counter of blessings. Guitar-hugger.
He who simply wants what everybody else would like to be in this world and the next -- to be happy. |
|
Thursday, March 09, 2006
Lakbay Diwa: Film Director
Leche. Nahihirapan na rin akong mag-Tagalog [nyehehe]
At para maputol naman ang walang hanggang pananalita, eto isang larawan na puede niyong pagtawanan Oo, ako yan at ang tatlo ko pang pinsan. Di ko alam kung ilang taon ako diyan. Siguro mga nuebe o diyes anyos. Mukha pa kong halimaw na manekin habang ang mga pinsan ko ay nagmamantekilya na mga kutis dahil mga nagbibinata't nagdadalaga na. Malapit lang yan sa bahay namin sa Silang, Cavite. Di ko matandaan kung dyip nga namin yan o ano. Ah oo nga pala, kaya nga pala Film Director ang pamagat ng akda na ito ay dahil iyon: nangangarap din akong mag-direk ng film (ay oo, Tinagalog ko lang) kahit maiikli lang o kaya e music video (nyahaha). Gusto ko rin sana maging aktor, kahit teatro man lang. Napanood ko kasi dati kung pano yung mga ganyan e. Sobrang nagustuhan ko. Kaso alam mo na. Kelangan kong maging praktikal sa panahon ngayon, kaya inhinyero kinuha ko nung kolehiyo at hindi Fine Arts sa UP. Weird ko rin talaga. Ika nga ng team leader ko dati, scientist/artist ako. Medyo incompatible na larangan ng kaalaman. Siguro dapat ipinanganak akong kambal. Kakailanganin ko pa ng isa o dalawa pang buhay para magawa mga gusto ko. Basta, plano ko sa buhay ay maging dalubhasa sa IT, tapos nun, sa ko gagawin ang mga bagay na gusto ko talagang gawin. Siguro mga pasado kwarenta na ko nun. Ngayon, kelangan ko munang magtrabaho. Kayod, kayod. 2 Comments:
|
|
Site design © 2006 Quentin Montejo Productions |
|
+
|
|