Hay ... hay, buhay ...
Hayayayay yan wahaha-yahay
Isang matandang lalake
Naging nobenta'y otcho
Nanalo sa lote
At namatay sa sumunod na araw
Isang maitim na langaw
Sa iyong [serbesa]
Isang patawad sa garote
Dalawang minutong hule
Di ba kakatwa?
Tingin mo?
Parang ulan
Sa yong kasalan
Isang libreng sakay
Nang nakabayad ka na
Isang magandang payo
Na hindi mo kinuha
At sino nakakaalam
Ganun nga
Si Totoy Lambot (?)
Takot lumipad
Hinakot ang kagamitan
Hinalikan ang mga mahal
Buong buhay niyang hinintay
Ang paglipad na ito
At nang bumagsak eroplano
Sabi niya, "OKAY TO!"
Di ba kakatwa?
Tingin mo?
Parang ulan
Sa yong kasalan
Isang libreng sakay
Nang nakabayad ka na
Isang magandang payo
Na hindi mo kinuha
At sino nakakaalam
Ganun nga
Ang buhay
Nakakatuwang gugulatin ka
Kung kelan mabuti ang lahat
Kung kelan maayos ang lahat
At ang buhay
Nakakatawang tutulungan ka
Kung kelan lahat nagkalokoloko na
Trapik na nga
Kung kelan huli ka na
Bawal manigarilyo
Kung kelan yosing-yosi ka na
Isang libong kutsara
Kutsilyo lang pala kelangan
Masalubong ang taong para sa yo
At malamang may asawa na
At di ba kakatwa?
Tingin mo?
Hayyyyyyyyy ...