Putaragis.

Pati ba naman blog ko ni-block nila? Argh, kakatayin ko sila! At least puede pa kong mag-post. Di ko na nga lang makikita blog ko.

Labo. Grrrr.

Hay. Unang banat pa lang sa araw na to reklamo na kagad ang tirada ko. Kung iisipin ko nga naman bihira akong magreklamo. Teka, alin ba mas bihira? Ang bihira o ang madalang? Kumbaga Tagalog ng 'rarely'.

A ewan.

Ngayong umaga ng namamalantsa ako ng polo kong pampasok sa opisina, nanonood ako ng MTV. Ang palabas e yung video ni Santana at Steve Tyler na 'Just Feel Better'.

Do I feel better now? Siguro.

Bigla akong napatingin. Naknangteteng, ang lolo na ni Steve Tyler nakikipagtukaan pa sa babae. E, well, puede nga naman niyang gawin yun. Kaso isipin mo yun, makipaghalikan ka ba naman dun e di sakop pati ilong mo sa laki ng bunganga. Kunsabagay, tingin ko mas pipiliin pa sa Steve Tyler ng babae kaysa naman kay ... Danny Glover ng Die Hard. Siguro yun parang suction cup yung dumikit sa nguso mo (sakop ilong).

Hay.

Pansin ko lang, parang malungkot ako tuwing gumigising sa umaga. Tapos unti-unting nawawala habang tumatanghali. Okay naman sa ganun, ang iniisip ko lang e, bakit ako nalulungkot pa rin?

Ewan. Basta.

Ngayong mga araw na to parang lagi kong gustong pakinggan yung 'Much Has Been Said' ni Bamboo. Ang galing ng dating e. Parang smooth, habang pinakikinggan mo sa isang bar (na para namang pinupuntahan ko ng madalas). Actually katabi nga lang namin Sidebar sa El Pueblo.

May maganda nga naman akong maikekwento. Yung mga condomates ko nagdala ng PS2! Kahit hindi nga naman ako maglaro e halakhak pa rin ako sa katatawa.

Pano ba naman si Rommel kung humawak ng controller talagang kung saang lupalop niya itinuturo. Para namang maaapektuhan yung pagtakbo ni Dante (Devil May Cry), hahaha! Yun naiisip ko. Pano kaya kung gumawa sila ng gravity-based na controller? Yung tipong puede ngang maapektuhan ng paggalaw mo sa mismong controller ang character mo.

Hehe! Okay yun.

O siya. Ang daldal ko. Kain muna ako agahan. Mabuti na rin yung na-block ang blog ko. At least, walang distraction.

O di ba, looking at the better side of things?