Yes!
May sequel yung Ice Age! Hehe, para akong bata. Itong mga ganito pa rin ang hilig ko. Di nga naman nakakapagtaka kase puro anime ang gusto kong panoorin.
May pangarap pa nga pala akong maging isang anime/manga artist. Sa ngayon, tanim muna ng kamote. Kailangan ko munang maging stable (ng kabayo?) bago sa mga ganyang bagay. Di naman mawawala ang hilig kong yan e.
Dati may nabasa ako na yung alma mater kong Mapua ay nag-o-offer ng 2D animation course. Gusto ko siyempre, pero saka na muna. Dati nag-inquire ako ng 3D animation. Syet, ang mahal pa nun, Php 40k. Nag-aral na nga naman ako ng 3D Studio Max, tapos nung college, nag-aral pa ko ng AutoCAD.
Ang sisiw naman pala (yabaaang). Totoo! Ang talagang dapat na kailangan mo e, kung gano kalawak ang imahinasyon mo. Nakakapagod rin ang mag-imagine a. Ginawa ko dati yun nung sobrang wala akong magawa, nung nag-iimbento ako ng storya atsaka mga characters sa manga ko.
Grabe kakapagod nga naman. Parang na-drain palabas sa ilong mo yung utak mo. Kaya pala ang mga manunulat e, kailangang may binabasehang 'material' para sa storya nila. Sobrang nakakapagod ang gumawa ng fully original na storya.
Pero sa panahon ngayon, meron pa bang orihinal? Siguro mga 1% na lang, kase sa tinagal-tagal ng kasaysayan natin, halos lahat ng ginagawa natin ngayon binase sa isa pang storya, at kung hindi man yun, may nakaisip na nun! At kung hindi man yun, pinaghalu-halo na mga storya.
Yung dalawang blog ko na lalagyanan ng storya na iniimbento ko [tingin kayo sa link sa taas], matagal ko nang di nagagalaw. Yung isa fantasy fiction, at yung isa naman, close-to-real-life naman. Hay. Gusto ko uling magdagdag ng entrada.
Tsaka isa pa, gusto ko sanang matuto ng isa pang lenggwahe. Siguro Kastila o Mandarin. Sabi ng kaibigan ko mahirap daw Mandarin sa dami ng inflections at intonations, at kelangang na-pa-praktis sa bahay.
Nakupo. Patay ako sa departamentong iyan. Ni kausapin ko nga mga condomates ko di ko magawa e. As in bihis, kain, tutbrash, tulog lang ginagawa ko.
Gawan natin itong lahat ng paraan. Hmmmm *himas baba*