Pansin ko nga, matalim nga naman ako kung tumingin minsan.

Nalaman ko to nung tiningnan ko yung MTV ko ng Ulan [potek, halatang ninenerbyos ako nun at nasisintonado nyahaha].

Dahil na rin siguro maliit yung iris ng mata ko kumpara sa eyeball @_@ tapos kapag dinilat ko pa e talagang pati ako magugulantang kapag nakita ko sarili ko sa salamin at madilim ang gabi [think George Estregan Jr].

Image hosting by Photobucket
Pulutin mo ... ang sabon!


Siguro na rin kasi yung hugis ng mata ko e patulis din imbes na bilugan.

Totoo nga rin naman na nandidilim din pag-iisip ko, pero hanggang pag-iisip lang yun. Siguro isang libo't isang mura na nasabi ko kapag talagang ginagalit mo ko. Huwag kayo mag-alala, bihira lang yun talaga.

Minsan nga ako na yung inaabuso, talagang hindi pa rin ako papalag e. Kase alam mo yun? Walang tao man sa mundong ito ang totoong makakapagpahamak sa akin kundi sarili ko.

Gawa na rin siguro ng salamin ko kaya matalas ako kung makatingin. Kasi kapag wala yan, nakapungay lang mata ko e at parang laging inaantok [yata]. Ayoko namang mag-contact lens [hmm, subukan ko na nga kaya? gusto kong mag-shades e] at mas trip ko ang magsalamin na lang.

Tsaka naitatago ng salamin yung linya sa ilalim ng mata ko parang si Itachi Uchiha [pansin niyo nagsasalamin na rin siya ... er, matalim din siyang tumingin].

Image hosting by Photobucket
You stole my kamote. Now you die!


At least, marunong din ngumiti mata ko [weird pakinggan no?]. Dadalasan ko na siguro yun.

^_^


Image hosting by Photobucket
I think sabi ni Kalypso parang ganito daw ako -_-