"Cory should shut up. Arroyo should win the support of the military, purge disloyal officers ala Stalin, and start clamping down on the political chaos that has really shackled our country from progress. Sometimes I feel like Filipinos enjoy too much freedom, and very little discipline. It is almost like anarchy, and we need less freedoms for the sake of stability. There is always a tradeoff between personal freedom and state power. I think there is too much of the former and way to little of the latter. We have shown that as a people, we do not exercise our freedom responsibly."
- posted by
gox,
"What's Wrong with Cory?"Sang-ayon sana ako sa sinasabi nitong si gox e. Na ang Pinoy ay mashadong protektado ang sarili nilang mga layunin at walang pakundangan sa ikabubuti ng lahat. Kumbaga, oo nga, alam natin na meron tayong ganung karapatan pero ano ba nagawa natin na masasabing ipinaglaban natin ito para sa bansa natin (sans Pacman).
Kaso dun rin ako nag-aalinlangan. Ano ba ang sukatan para masabi munang ang Pinoy ay mashadong maraming kalayaan na gawin ang gusto nila? Atsaka wala akong basehan para sukatin kung totoo nga na ang Pinoy ay kulang sa nasyonalismo. Kasi kung tutuusin, di ako marunong sumukat ng pag-iisip ng masa base lang sa mga balita sa dyaryo, o sa taong nasa paligid ko.
Ngayon, kaya nga lang ako sang-ayon kase madaling gawan ng simpleng analogy. Bigyan mo ng maluwang na palugit ang isang tao, aabusin niya yan. Gawin mong napakalimitado ang karapatan ng isang tao, magrerebelde yan. Lahat nga naman ng sobra masama, at hindi rin nga naman ganun kasimple ibalanse ang mga bagay-bagay.
O ano ngayon ang nagpapakumplikado? Dahil ang masa ay hindi isang simpleng tao. May kanya-kanyang pag-iisip yan at mga pinahahalagahan sa buhay. Isama mo pa ang uri ng kultura natin at mag-uumpisa nang sumakit ang ulo mo.
Kaya ang mga pulitiko na gustong maging sikat sa tao, kailangang matalino, o kung hindi man yun, malakas ang karisma. Kita mo kung bakit nanalo si Erap? Karisma lang yun. Saulado nga ni Imelda yang mentalidad na yan e -- na ang mamamayan gustong may nakikitang liwanag sa yo sa unang tingin pa lang.
E ano naman ngayon ang sinasabi nito tungkol sa ating Pinoy? Isa lang. Malayo pa tayo sa pagiging makabayan. Magkaron nga tayo ng patakaran para sa disiplina, gagawan naman ng paraan para takasan. Masasabi ba nating tayo ay mga oportunista sa maling dahilan? Sana hindi no?
Kung iisipin mo naman na magalit, kunwari, sa mga kotong cops, o sa mga abusado sa kalye, wala ring magagawa yun. Kumbaga walang na-re-resolba ang pagluha lang. Minsan naiisip ko, sapat na ba ang maging isang mabuting mamamayan lang? Kase, sa sarili ko lang, yun lang ang gusto kong gawin e. Siguro nga kaya hindi tayo umusbong sa pagiging tunay na makabayan. Kase, maliit lang ang gusto nating gawin. Kung meron man tayong gagawin, e para sa sarili lang natin. Wala nga namang masama dun, sinasabi ko lang :}
Ah, sana magkaron pa ko ng matimbang na opinyon. Aminado ako na Grade 1 pa lang ako sa ganitong bagay. Ang kaya ko lang e umintindi ng simpleng pahayag. O siya. Sana makapaglaro ako uli mamaya ng
Devil May Cry 3. Ang saya e. Puyatan na naman ito!