Minsan naiisip ko na ang problema ay lumalaki lang talaga depende kung pano ka tumingin sa mga ganyan. Natatawa nga ako sa sarili ko kase meron akong inimbentong salita kapag may problema ako. At ito yon:
"Smallify"Puede rin sigurong
Shrink Ray, pero ito yung punto niyan: na ang lahat ng problema, sa tamang paningin, ay maliit lamang kung ikukumpara sa kabuuan ng mundo.
Case in point. Dati nung kolehiyo ako, may iniiyakan akong subject kase ayokong bumagsak. Er, actually nga naman gusto ko walang bagsak (sa Mapua pag wala kang bagsak,
abnoy ka) kase may reputasyon ako e, hehe. Minsan lumalagpas ako sa bahay namin sa Cavite kase nakakalimutan kong pumara. Pano kase nakatingin ako sa kawalan sa bintana habang iniisip ko yung subject kong yun kahit wala na kong magagawa. Sori ha, perfectionist ako e, nyahaha.
Remember my word, "smallify". Kung titingnan mo lang, maliit na bagay lang yan kaysa sa naman isang taon akong mahuli sa graduation. Kayabangan ko kase, gusto kong kunin ng apat na taon at kalahati ang isang five year course.
Ako naman minsan sa karinderia nakakakita ng mga babaeng konting chip lang sa kuko nila, magtatatalak na na parang inalipusta ang byuti nila. Naknamputakti, buti nga kuko lang yan e! Kaliit-liit na bagay kinakalantari mo? Shempre di ko sasabihin yun at dun lang ako sa isang sulok, enjoy na lang sa tanghalian kong tortang talong.
Ayun. Gusto ko lang matandaan yung word na "smallify". Lahat ng problema lumilipas at kung hindi man, bibigyan ka ng oras para magkaron ng lakas ng loob para harapin ito. Isipin mo na lang, maliit yan kung ikukumpara mo sa kabuuan ng mundo.
Ah, kelangang kong sabihin yan sa sarili ko.