|
The Terrible Writings of Quentin Montejo
Serial experiments on a fallen archangel who only wanted to regain just one wing back
|
Free of the World. Rain worshipper. Hermit. Tormented mind.
Caged spirit. Defiant and eternal enemy of Destiny and Fate. Poet. Scientist. Artist. Daydreamer.
He who laughs. Slacker. Sleeper. Romancer of wings and clouds. Fiercely independent. He who is ponderous.
Games and anime junkie. Four eyes. Caveman. Nature-lover. He who doesn't think that hard. Non-smoker.
Music-junkie. Counter of blessings. Guitar-hugger.
He who simply wants what everybody else would like to be in this world and the next -- to be happy. |
|
Friday, March 10, 2006
Lakbay Diwa: Ang Daanang Madalang Tahakin
Lasciate ogne speranza, voi ch'intrate.
Napaisip ako sa mga plano ko sa buhay. Meron na kong long-term na goals. Meron akong short-term. Ngayon, gusto ko yatang may mid-term. Hehe, parang exam. Nasabi ko ang mga yan dahil sa epekto ng sinabi ng napakabuting kaibigan ko sa opisina. "Pare, resign na ko may offer sa kin. Gusto mong sumama?" Nang malaman ko yung offer, nagkaron ako ng isa pang dahilan para huwag nang mamalagi dito. Di gaya ng kaibigan ko, ginagawa niya to dahil pamilyado na siya -- may mga taong nangangailangan sa kanya. Ako, pinapayuhan na ni Mama na gumawa na ko ng hakbang para sa sarili ko. Kaso kapag nagbitaw na ko, di na ko mag-iisip bumalik. Siguro nga masyado akong naging mabait. O siguro talagang easy-going ako. Whatever comes, sige lang ng sige. Mashado kase akong kampante sa sarili ko at alam kong di ako mawawalan ng offer. Kumbaga parang kahit anong pagpapapanget ko, pogi pa rin ako, nyahahaha [ubo ubo]. Siguro binatukan na ko ni bespren kung narinig niya sa kin yun. Masasabi mo rin sigurong ako'y naging arogante. Ayan, kumain kami sa McDo. Yung isa naming kaopisina mag-mi-migrate na sa New Zealand. Andami sigurong zeals dun. Zebra na seals. Nakapula silang lahat. Weird. Tanong nga ni Mina, "O dapat nakapula ka rin!" Knowing me, ang banat ko e "Brip ko pula". Ilang taon na rin nakalipas at ngayon lang ako nag-iisip ng ganito. Panahon na nga. Kailangan kong lumisan, sa paraan na kahit hindi personal na dahilan. There are still opportunities yes, but I have outgrown this place. Okay na ko dito e, pero talagang dumadating sa tao yung kailangan mong ibahin ang mundong ginagalawan mo. Change is the only unchanging thing in this changing world. What a cliche. What a banal, trite, tiresome cliche. Arogante na ko ignorante pa. Lasciate ogne speranza, voi ch'intrate Translated, "Abandon all hope, all ye who enter here". Iibahin ko na ang mundo ko. 2 Comments:
|
|
Site design © 2006 Quentin Montejo Productions |
|
+
|
|