Minsan ang buhay parang tagu taguan.
Akala mo di ka na nakikita, pero ayun, kita ka pa rin. Tapos minsan ikaw mismo ang nawawala, at wala na pala mga kalaro mo.
Ikaw lang yung naiwan sa pinagtataguan mo. Nagsiuwian na pala sila.
Pero ikaw andun pa rin, nagtataka kung tapos na ba ang laro. Tumingin ka kung andun pa sila, yun pala wala na. Kaya ayun, umuwi ka sa inyo hapunan na. Ang mga kalaro mo nasa kani-kanyang bahay sa kani kaniyang pamilya.
Kaso ikaw pala, wala kang pamilya.
Sana di na natapos yung tagu taguan. Para kahit dun, alam mong kahit nasa pinakamadilim ka na sulok, alam mong di ka nag-iisa, at may naghahanap pala sa yo ...