Hahaha, I love my gbf. Perhaps she's the only one I know who can make a grown man like me cry and one of the few who can scold me and keep me quiet (the other one I guess is seraphim).

~~~

uy, buhay ka pa ba? tsktsk, di ka na kasi nagpaparamdam eh. malamang inlab ka no? uyyyy! :) diba sabi ko sayo noon, typical sa isang tao na naalala mo lang ang kaibigan mo pag ikaw ay sawi. pero pag tumitibok na naman ang puso mong makolesterol :), dedma mo na naman ako. hmp!

so kumusta ang valentine's day mo? ehem, ilan ba ang ide-date mo? wag masyadong kekerengkeng ha? gusto ko sana eh panatilihin mo ang iyong pagiging maginoo (pero sa totoo lang eh nuknukan ng bastos -- hehe!) na ugali lalo na sa mga kababaihan. alam ko naman eh kahit ganyan ka eh ganyan ka na talaga.. alam mo yun? oo, alam ko alam mo na yun kaya di ko na sasabihin :)

anyway highway, magwa-1 year na pala kami dito sa US this saturday. grabe, ang bilis ng panahon. parang kelan lang eh nilagyan kita ng cutex nung christmas party, at nakita ko ang potential mong maging malandi :) so far so good. malungkot na masaya. malungkot kasi malayo sa family, pero masaya kasi malayo sayo --- este... :) hay! nami-miss ko na tuloy ang maghapon kitang inaasar. dibale, alam ko namang nagpi-piyesta ka madalas kasi nga wala na ako dyan para 'awayin' ka. hehe!

wala na akong masabi. nangungulit lang bago bumaba ang araw at maputol ang lapis na malapit sa pintuang kulay pula na giniginaw dahil tumalon ang palaka nung tumakbo yung gulong ng sasakyang walang gas. :)

ochige! babush! :)


~~~

The last paragraph is a nonsensical stream of thought we usually did when she was still here. We had fun writing each other sentences that was absolutely hilarious but meant absolutely nothing.

Ok let me try *tee hee*

Nakita ko ang hilik matapos lumipad ng walang hanggan kase hinihintay ko ang pusa namin habang nagsasaing sa dalampasigan.

There. That sounded like it came out of a loony delirious with a fever is it not? :D