Leche, di ako makakapunta ng DBAA.
Baket naman kase umaga pa yun, argh. Leche talaga! (leche is espanyol for milk, oooo) Dami ko lang talaga trabaho. Di lang yun, di ko alam kung pano ko isisiksik ang mga bagay na dapat kong gawin pa. Hay grabe.
Di naman ako stressed. Hehe, totoo! Masaya ako dahil sa wakas ginagawa ko ang gusto ko. Di nga lang tatama sa deadline (aka, ang aking kamatayan next week). Hindi talaga aabot :( Kahit anong pilit ko pa o kung sakaling tumalino ako bigla at maging henyo.
Hay. Tatlong buwan. Yun pa lang naipapamalagi ko sa bagong kumpanya ko pero parang dumaan ako ng tatlong taon. Lalo nang nauupod ang noo ko hahaha (oi ha, di pa ko nakakalbo). Pero oo nga, dami ko na daw puting buhok sa kunsumisyon. Pero kung tutuusin, di naman talaga ako piga ng talagang pigang piga pa. Ambait kase ng project manager ko e, tapos marami akong magagaling na kasama sa trabaho.
Gusto ko lang sana mapraktis makausap yung mga major leagues. Hirap nga naman kung ubos na ingles mo tapos puro pa kabobohan pumapasok sa isip ko ahaha.
Uy, pansin ko nga. Magkaiba personalidad ko kapag ingles gamit ko kesa sa tagalog.
Pero anyhoink, balik sa pagrereklamo. Ayun, ilang araw Pasko na. Tingin ko tahimik na pagtitipon uli to sa bahay. Di na kasi talaga magiging maingay dun. Di ko alam kung saan mag-papasko si kapatid. Siguro sa amin naman. Tapos balak ko pang umalis kagad ng abentesingko. Adik ako no?
Ewan ko ba. Ganito talaga ako, parang laging may gustong gawin. Focus kumbaga. Pero di rin naman at panay ang pag-daydream heheh. Kasi ba naman kahit pagpikit ko puro RAN Online ang nakikita ko sa likod ng talukap ng aking mga mata. Adik talaga ako, adiiiiiiik.
Meron akong maling nagawa sa buhay ko ngayon taon. Pano ba sasabihin to. Ang gago gago ko kase. Argh. Yoko banggitin hehe. Gusto ko lang ipaalam sa sarili ko na meron akong bagay na hindi kayang unawaan. Basta. Ewan.
Iligpit ko na lang kalat ko at ilipat ang pahina ng papel ng aklat ng buhay ko. Yebah! Kung sana lang e di ako makakalimutin.
At ano yung dapat kong di kalimutan? Mga naging biyaya ko. Minsan kase talagang sa sobrang tutok ko sa bumabagabag sa kin di ko na naiisip gawin yun. Lahat naman tayo nakakalimot e. Tsaka yung mga biyaya natin parang minamaliit natin. Ayoko namang umabot sa puntong may mawala sa kanila tapos dun ko lang malalaman ang halaga.
Parang ganito ko pinahihirapan sarili ko ngayong taonO siya, next week gagawa ako ng paraan para matapos ang taon na ito ng ayos. O kahit maging memorable man lang.