Ah, the days when I was as mushy as a highschooler. Now that I'm cynical, sarcastic, and obnoxious, it sort of feel nostalgic, lol. Enjoy ridiculing me ~_~

Paano ko ba sasabihin sa yo?
Na hindi ako matututo kung
Gaganyanin mo ako
Na kahit ulit-ulitin mo pa
Ang sinabi mo nung gabing yon
Wala pa ring mangyayari

Ewan ko ba, makakalimutin talaga ako!

Wala sa aking kapangyarihan
Ang baguhin ang mga nangyari na
Magagawa ko lang ay sabihin sa yo
Na di ko rin ginusto yun
Kumbaga, di ko kayang patigilin ang ulan
Di ko kayang paarawin kung makulimlim na

Kase nga, ito lang ang mga magagawa ko

Ang intindihin ka tuwing di mo ko kinakausap
Ang bigyan ka ng lugar para mag-isip
Ang paghintay sa yo kung kelan di ka na galit
Ang lumapit sa yo pag medyo di pa nawawala ang toyo mo
Ang pagsubaybay sa oras na kailangan mo ko
Ang sabihin sa yo na ikaw ang pinakamagandang babae sa mundo ko
Na kahit wala ka sa tabi ko, ikaw ang iniisip ko
At ikaw ang hinahanap ko kahit walang dahilan

(removed more stupid lines here)