- Q.Montejo
This is a prose experiment on words ... the three line stanza is just to make things easier to read. This is for warm-hearted people (me? hehehe) pursuing heartless people, hence cold hands :DHanggang sa pag-uwi
Amoy sigarilyo pa ang damit
Dahil lasing na naman ako
At walang pakiramdam kamay ko
Hindi ako nalulungkot
O hihigang magulo ang isip
Basta, wala akong pakiramdam
Sabay inaantok na at pagod
Bakit nga ba ako gising pa?
Iniisip na naman ba kita?
Sana nga, kasi buhay pa ako
Nananaginip ng mulat
Matagal ko nang tinigil
Ang hulaan ang mga iniisip mo
Wala rin naman e, mali rin ako
Kaya alam mo ginawa ko?
Ginawa kong madali akong basahin
Ayoko kitang pahirapan
Ngunit tama kaya ginawa ko?
Na huwag itago ang tungkol sa kin?
Hindi rin naman ako makalapit e
Pero hindi mo rin ako pinalalayo
Siguro isa akong buwan na umiikot
Sa isang planetang berde at asul
Nanlalamig dahil di ko ramdam
Kung paano lumapit sa tulad mo
Drama ko no? Minsan na nga lang e
Basta ang alam ko lang ngayon ay
Kung nanlalamig kamay mo
Tatakluban ko yan ng kamay ko
Dahil lang para sa iyo
Lagi itong buhay at nakakaramdam
Para sa yo, hindi ko pauulanin ...