Ah, gawa ako ng cookies.

Ayos to para may kakaiba sa hapunan. Bago to a, magkakaron ako ng bisita. Lam ko ermitanyo ako, laging may sariling lakad, may sariling mundo. Hindi na umisod ang utak ko na parang iba. Ewan ko ba, abnoy nga talaga siguro ako. Linis dito linis doon. San ko kaya lagyan ng dekorasyon? Ah bahala na, ilagay ko na lang sa ref yung manok.

Pero di natuloy. Eto ako nag-iisa uli. Ako na nga lang ngunguya sa cookies. Chocolate chip pa naman to. Ibigay ko na lang iba sa kapitbahay ...