Nung mga nakaraang araw, may nagbebenta ng Milo na drink sa tetra pack. Bili ako shempre, mga apat. Isinupot ng nagbebenta sa loob mismo ng pantry namin. Since malapit lang naman ang fridge, linagay ko kagad ang supot sa loob sa level ng vegetable bin.

Kinahapunan, kumuha ako. Naasar ako kase may mokong na naglagay ng Milo ko sa freezer tapos binalik sa ilalim. Kaya ayun, ang hirap niyang sipsipin sa straw >_<*

Kinabukasan kukuha ako uli. Nagulat ako ng tatlo pa rin yung nasa supot.

Saka lang pumasok sa isip ko -- may iba pa palang bumili ng Milo. At natagpuan ko na at least may tatlong supot sa fridge, isa sa akin.

Hindi ko na alam kung alin ang sa akin.

Basta kumuha na lang ako sa isang random supot.

The End.