Kaninang umaga, ginawa ko ang isa sa mga bagay na nakakapagpasaya sa kin: ang maggitara habang paparating pa lang ang umaga.

Ilang beses ko na ring sinasabi kung gano kagaan sa pakiramdam tuwing ginagawa ko ito. Parang personal na bagay na walang ibang makakaintindi kumbaga.

Saulado ko na yung pagtapik sa kantang "You and Me" ng Lifehouse. Isang kantang minsan ay naging importante sa kin na pakinggan. Masaya at malungkot siyang kantahin dahil isang yugto ng buhay ko meron akong gustong kantahan nito. Pero kahit nakalipas na yun, iba pa rin ang dating ng kantang ito sa akin.

Coz it's you and me
And all other people
Nothing to do
Nothing to lose


Pasalamat na rin ako, akala ko kase gawa na ko sa bato. Hindi pa pala :)

What day is it?
And then what month?
This clock never seemed so alive ...


Kailangan ko pa ng guro para makapagpagaling sa kin sa paggitara. Wala akong improvement e, gusto ko talagang matuto pa. Shempre yung libre, hehehe.

Sarap ding makinig o makikanta sa mga taong may talento sa pagkanta. Wala ako nun e. Ambisyon lang :)