Excited ako for the next week para sa isang walang kwentang dahilan: napadaan ako sa luma kong web site, at di ko alam naka-store pala dun yung mga luma kong sketches since 2002 pa. Kaya para sa buong week next week, i-u-upload ko sa photobucket yung mga yun.

Ano yung mga yun? 2002 yata ang huli kong attempt sa pagseseryoso sa pagguhit. Nung ginamit ko uli yung kakayahan kong yon nung nakaraang Pebrero e talaga namang pinulikat ang kamay ko -_-

Sabihin ko na, marami akong frustrations sa buhay. Frustrated musician na, frustrated comic writer/drawer pa. Hay. Eto mga panimula :)

Image hosting by Photobucket
Ito si Ashley, isa sa main character ko sa comic strip na kapangalan ng blog na to [E ano pa nga ba iyon kundi "Who is Quentin Montejo??"]


Image hosting by Photobucket
Si July naman ito. Kasama sa WiQM?? cast. Siya yung mayumi at mahinhin :)


Image hosting by Photobucket
At ito ang paborito kong character -- si Lilith. Pansin niyo yung tali sa buhok niya sa likod [actually turn-on sa kin yung hairstyle na yan]


Image hosting by Photobucket
Si Quentot :}


Image hosting by Photobucket
Si Jillian Ibarraconmienda. Bida sa comics kong pamagat ay "Ang Sumpa". Kung nagbabasa kayo ng Noli me Tangere, ang Ibarraconmienda ay ang buong apelyido ng bida dun -- si Crisostomo Ibarra


Image hosting by Photobucket
Pedrito -- Jillian's sidekick. Kumbaga kay Darna ay si Ding :D


Image hosting by Photobucket
Chibi form of Jillian and Pedrito :)