Remember this -- that it takes very little to make a happy life.
- Marcus Aurelius, Roman Emperor, 121 AD

Gumising ako kaninang umaga nang iisang bagay ang nasa isip -- kelangan ko nang maglaba.

Kung sa iba yan, iisipin nila, "Labahin na naman?"

Sa akin naman ay, "Buti na lang may labada ako. Ibig sabihin may maisusuot ako at may trabaho ako."

Oo nga, maganda na yung binibilang ang biyaya sa mga maliliit na bagay sa mundong ito. Ayoko maging sopistikado. Kumplikado na nga akong tao, pahihirapan ko pa sarili ko sa mga bagay na di naman talaga importante. If I don't need it, I can probably live without it.

Nakakagaang nga naman ng pakiramdam. Siguro kaya ako nakapag-survive ng kahit gani-ganito lang. Ah ewan natin. Lahat ay puedeng mangyari sa mundong ito. Kelangan ko lang maging handa.

Nag-iisip na naman ako na parang ermitanyo. Maganda/mabuti? [Y/N]

Hindi na ako naglalalabas o gimik man lang. Okay na rin yun, tipid na rin. Nag-iingat na rin ako sa pagkain at hindi na laging nag-o-over-eat. Tapos tuwing umuuwi ako sa Cavite, hanggang Lunes ako, kaya andami kong natitipid.

Nagdesisyon akong regaluhan ang tatay ko. Ibibigay ko yung relo niyang pagkagustu-gusto. Siguro pagdating ng Sabado o Linggo. Advanced birthday gift ko na yun. Kahit gaganun-ganon yung tatay kong yon, tatay ko pa rin yun. Kahit minsang gusto ko nang hambalusin ng patiwarik e, siya pa rin ang aking ama.

Kahapon lang nakadiskubre ako ng martial arts class sa Megamall. Either Karatedo o Aikido [meron ding ballroom dancing]. Iniisip ko pa kung gusto ko ng sakit ng katawan ...

Yung opismeyt ko naman, kating-kati na sa Palawan. Three weeks to go! Wahoo! ^_^ [yung 'Wa-hoo!' daw e Mandarin for 'A-choo!' ... potek sino nga ba nagasabi sa kin nun?]

Image hosting by Photobucket
Romanticism is not to be confused with plain obnoxiousness


Always follow what's in your heart
Always listen to what's inside
Always fly high & don't come down
And don't come (down)

Don't push yourself far over the limit
Push your mind ahead with your spirit
Push it to where you never thought you
could go right
And never come down

- Pink Life by Gyskard [another great beach music piece]