- Pauline Schroeder

This was supposed to be sequel/reply for the one below. But I think it stands on its own. Enjoy.


alam mo
ilang beses na kong
nahilo sa kalokohan
ng nararamdaman ko
sabi ko sa sarili ko
"ah, makakalimutan mo rin yan"
o kaya ay
"itigil mo na kasi yan
niloloko mo sarili mo"
ang hindi ko lang malaman
e kung bakit
kapag tahimik
ang aking kapaligiran
ikaw ang sumasagi
sa isip ko
hindi ka naman momo
wala naman akong
utang na pera sa yo
kaya ang nangyayari sa kin ay
lalapit ako, tapos lalayo
lalapit, tapos lalayo
pilit kong pinapanatag
ang sarili ko
na huwag nang
gawin to sa yo
kaya minsan
lumalabas akong
insensitibo ...
yun pala, mas naging mali
ang ginawa kong sagot
sa mga katanungan ko

bakit kaya
mahal kita?
hindi ko naman tinanong
ang iyong nakalipas
dahil kailangan ko lang
sa iyo noon
ay ang iyong kasalukuyan
ang lumabo nga lang
ay ang ating hinaharap
yun siguro dahilan
ayokong
umpisahan ang isang bagay
na alam kong tatapusin ko
agad rin lang
sige na
hindi na nga ako
magdadahilan
kaya ko naman siguro to ...
hindi man mawala
ang lungkot ko
hindi ko naman
ipapakita sa yo ...

masasabi ko bang
totoong mahal kita?
ayoko nang mag-isip ng mga
bagay na, "kung sana ay ..."
o kaya ay, "siguro kapag ..."
sige na
tama na tong inaangal ko
ito lang naman masasabi ko
na dati merong nagmahal sa yo
na kung gugustuhin niya
magiging maligaya
ang bawat araw at
kinabukasan ninyo
kaso, ang tanga-tanga niya
hindi niya ginawa yon
at ngayon, sa katangahan niya
mahal ka pa rin niya
ayaw niya lang
sabihin sa yo
dahil baka
mag-umpisa na naman
ang storyang
kinuwento ko