- Q.Montejo

Ok, I found this freaking poem at last. I was reminded of this poem when I passed by cherubim's.


sinabi ko naman sa yo
na hindi ako nanghinayang
alam kong di nga lang tatagal
dahil nga, malabo, at sayang

pano ba natin linagyan
ng kahulugan ang ating samahan?
yung yakap ba o yung halik?
o dala lang ng pagiging baguhan?

nadaan nga lang ba sa ganun?
sa dahilang ganun katagal magkakilala?
inisip ko, sana hindi nagkaganito
sana di na lang tayo nagkita

pero sino ba tayo para alamin?
itong kahihinatnan natin?
tanong ko na lang sa yo
masaya ka ba nung tayo'y magkasama?

sabihin ko na rin sa yo
masaya ako pag kasama ka
kaso, sa bawat hatid ko sa yo
parang sabi ko sa sarili ko, ayoko na

hindi naman sa ako'y naglaro
hindi naman sa binale wala kita
meron talagang bagay na ganun
maramdaman ang isang bagay, tapos mawawala

lahat naman tayo umaasa di ba?
na sana "yun na", o kaya "siya na"
meron talagang bagay na ganun
sabihin mo ito na, pero hindi pa pala

di ko alam kung pano mo ko haharapin
pero eto na ko, hinarap na kita
hindi ako takot na baka magalit ka sa kin
naging totoo lang ako, dahil minahal kita