I'm not sure if she wants bebang as her pen name, but I think it's cute :D - Quents

--

K.I.M.A.M.
- bebang

Kung ibig mo ako makilala
Lampasan mo ang guhit ng mahugis na balat,
Ang titig kong dagat---
Yumayapos ng mahigpit sa bawat saglit
Ng kahapon ko't bukas

Kung ibig mo akong makilala,
Sunduin mo ako sa himlayang dilim
At sa madlang pagsukol ng inunang hilahil
Ibangon ako at saka palayain

Isang pag-ibig na lipos ng lingap,
Tahanang malaya sa pangamba at sumbat
May suhay ng tuwa't kaluwalhatiay
Walang takda---
Ialay mong lahat ito sa akin
Kung mahal mo ako't ibig kilalanin

Kung ibig mo akong kilalanin,
Sisirin mo ako hanggang buto,
Liparin mo ako hanggang utak,
Uminlanlang ka hanggang kaluluwa---
Hubad ako roon mula ulo hanggang paa