I think I've mused on this before, but me thinks one of the reasons I liked Lunes by Spongecola was because it goes in a way similarly and surreally to a very old, uh mush-like, poem of mine, Prom Night o_O
--
Prom Night
kahit hindi ako lumingon
nandyan ka, malapit sa akin
alam kong tinitingnan mo ako
at may nais kang sabihin
kinunwari kong di kita napapansin
para saktan ka ng kaunti
ngunit alam kong nakikita mo
ang lubos kong pagkukunwari
unti-unti lumapit ka
iniisip kung ano ang sasabihin
para namang hindi mo ko kilala
pakikingan kita, at diringgin
alam mo, minahal na rin kita
kahit na ganyan ka
siguro, hindi ko lang sinabi
para di ka sa 'kin umasa
hindi ko na rin ipagkakaila
na masaya ako pag kasama ka
nagustuhan ko ang ngiti mo e
saka ang tawa sa yong mukha
pero eto ka ngayon
nasa harap ko at nagmumuni
nagkwento ng kaunti
hanggang sa umabot ang gabi
ano ba talaga?
marami pa kong gagawin
kung titingnan mo lang ako
e ? di yun na lang tanawin
napatingala tayo, tapos, may bituin
nahulog sa dilim ng langit
nginitian mo ko ng 'yong mata
kinuha 'ng kamay ko ng pilit
"
isang sayaw?", tanong ? sa 'kin
"
sige na nga", dahil gusto ko rin
nalambing ako ng yong hiling
sinabayan ang kumpas ng tugtugin ...
--
Lunes by
Spongecola
Dahan-dahang lumalamig
Unti-unting dumidilim
Sa saliw ng 'yong pagtingin
Ang oras ay...
Bumibilis
Kumakaripas
Naghihintay na lang
Kasama ng ulan
At ayokong magising
Sa umagang nang-aakit mabuksan
Naninimtim, 'di alam
Walang patutunguhan
'Di mapigilan ang pag-ngiti
Paglaya mo'y minimithi
Nagyayaya nang makisayaw
Ang himig ay...
Nang-aaliw
Isang pagdiriwang
Sa ilalim ng bituin
Sa liwanag ng buwan
At ayokong magising
Sa umagang nang-aakit mabuksan
Naninimtim, 'di alam
Walang patutunguhan
Ayoko na
Hindi sinasadya
Hindi ko sinasadya